Connect with us

Aklan News

DAHIL SA PERANG MULA SA SAP, 35 ANYOS NA LALAKI SINAKSAK NG KUYA

Published

on

Kalibo Aklan-Nagtamo ng tama sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan ang isang 35 anyos na lalaki matapos masaksak ng kanyang nakakatandang kapatid kagabi sa barangay New Buswang, Kalibo.

Ang biktima ay nakilalang si Michael John Merto at residente ng Magdalena village new Buswang Kalibo samantalang ang suspek ay nakilala namang si Modelo Merto 47 anyos at residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ay nagtalo umano ang magkapatid matapos humingi ng pera ang lasing na suspek sa biktima na kanilang natanggap mula SAP ng DSWD na umabot sa hindi pagkakaunawaan ng dalawa at masaksak ang biktima.

Kaagad naman dinala sa hospital ang biktima samantalang ang suspek ay kaagad din naaresto ng pulisya at pansamatalang nakakulong ngayon sa Kalibo pnp.