Connect with us

Capiz News

Tricycle driver at dating tindero ng isda, huli sa buy bust ops sa Roxas City

Published

on

By

PHOTO: Radyo Todo Capiz

Nalambat ng mga kapulisan ang isang tricycle driver at dating tindero ng isda sa ikinasang drug buy bust operation ng Roxas City Police Station sa Datiles Street, Barangay Tanque, Roxas City, kahapon, Nobyembre 16.

Kinilala ang nadakip na si Gerardo Arcangeles alyas “Mokong”, 55 anyos na residente ng nabanggit na lugar.

Narekober ng mga otoridad kay Mokong ang apat na sachet ng shabu na may bigat na 25 grams na may street value na P170, 000 at P40,000 na drug buy bust money.

Mahaharap si Arcangeles sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *