Connect with us

Aklan News

Lalaki patay sa pananaksak ng kainuman sa isang fiesta

Published

on

By

Naligo sa sariling dugo ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa isang pista sa Brgy. Tambuan, Malinao dakong alas-8:20 ng gabi nitong Lunes.

Kinilala ang biktimang si Sergio Inserto, 62-anyos, residente ng Brgy. Manhanip habang nakilala naman ang suspek na si Jose Campoy Jr., 37-anyos at residente naman ng Brgy. Kinalangay Nuevo ng nabanggit na bayan.

Batay sa imbestigasyon ng Malinao PNP, magkasamang nag-iinuman ang biktima at suspek ng bigla na lamang pinagsasaksak ni Campoy si Inserto.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Campoy, sinabi nitong inambahan siya ng saksak ni Inserto kaya’t inunahan na niya kaagad ito ng saksak na tumama sa mukha at leeg ng biktima.

Sinasabing, pagkatapos nitong magawa ang krimen ay agad itong tumakbo palayo at nagtungo sa punong barangay ng Kinalangay Nuevo at doon sumuko.

Dinala pa ang biktima sa Aklan Provincial Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, narekober naman ang kutsilyong ginamit ng suspek sa pananaksak sa biktima.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Malinao PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon. | via Rhealyn Ortega