Connect with us

Cebu News

Mga residente sa Cebu, nag-rally upang mapa-deport ang kapitbahay na foreign national

Published

on

Larawan mula kay Calvin Cordova

Aabot sa 100 katao na taga-Barangay Punta, Cebu ang nagtipon sa harap ng bahay ng isang foreign national upang ipanawagan ang pagpapageport dito.

Bitbit ang kanilang mga placards, nagrally sa harap ng bahay ni Sunny Miller ang mga taga-Barangay Punta upang manawagan sa mga opisyales ng gobyerno na solusyonan ang kanilang problema sa kanilang kabaranggay.

“We humbly implore President Bongbong Marcos, Senators Raffy Tulfo, Pia Cayetano, and Risa Hontiveros to intercede and help us to have Miller deported immediately,” ani Alfredo Arcipe, presidente ng Punta Fisherfolks Association.

Nais ng mga residente na ipa-deport ang tubong Michigan, USA na si Miller dahil hina-harass umano sila simula pa nung dumating ito sa kanilang lugar noong 2018.

Pinagbintangan umano ang ilan sa kanila na mga magnanakaw at pinagbabawalan silang gumamit ng daan malapit sa bahay ni Miller.

Dagdag pa nila binabato umano ng Amerikano ang mga bata na lumalangoy sa dagat malapit sa bahay nito.

Dumating si Miller arrived sa lugar noong 2018 at ayon sa kanya ay bumili ito ng 4,000-square meter na lot sa coastal area.

Nagkaroon na ng mga pisikalang engkwentro si Miller sa ilan sa mga residente dahil sa kanyang hindi magandang ugali.

Idineklara na siyang persona non grata ng barangay council sa isang session noong Hulyo 16, 2021 dahil sa mga dumaraming reklamo laban sa kanya.

Nauna na ring inaresto ng mga operatiba ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration ang 64-taong gulang na foreigner dahil sa mga reklamo ng mga residente.  Napag-alaman kinalaunan na overstaying na pala ito sa bansa.

Sublit sa pagkadismaya ng mga residente ay napalaya rin si Miller at bumalik pa ito sa kanilang barangay nitong buwan.

“We are devastated and frustrated with the Immigration for allowing Miller to come back in the area,” ani Alma Patalinghug, presidente ng women’s association ng barangay.

Tumangging magbigay ng pahayag si Miller kaugnay ng mga akusasyon laban sa kanya.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *