Connect with us

Aklan News

Mag-live in partner timbog sa drug buy bust ops sa bayan ng New Washington

Published

on

By

TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu sa Jugas, New Washington kagabi.

Sa isinagawang buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit Aklan, nahuli ang mga suspek na si Ferwin Valencia, 45-anyos at ang ka live-in nito na si Emy Himalay, 38-anyos at parehong naninirahan sa nasabing lugar.

Nakuha sa suspek ang 1 sachet ng shabu kapalit ng P1,000 na buy bust money.

Samantala sa pagsearch naman sa bahay ng mga suspek ay nakuha din ang kaha ng sigarilyo na may lamang 15 sachets ng shabu at iba pang mga non-drug items.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PMaj. Frensy Andrade, Chief ng PDEU Aklan, sinabi nito na halos 1 buwan na nilang minamanmanan ang dalawa at konektado ang lalaking suspek sa isa pang lalaki na nahulihan din ng droga sa Linabuan Norte, Kalibo noong nakaraang buwan.

Aminado naman ang dalawa na gumagamit sila ng droga, ngunit iginiit ng mga ito na hindi sa kanila ang mga nakumpiskang illegal drugs.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng New Washington PNP ang dalawa na mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, 7, 11 at 12 ng article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.