Connect with us

Aklan News

Delsol Zunio Jr, isa sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap sa empleyado ng J&T sa Makato

Published

on

By

Isa na ngayon sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap at pagpatay sa empleyado ng J&T Express sa Makato ang lalaking hinuli ng mga kapulisan kahapon sa Madalag matapos magpahabol sa mga kapulisan.

Dumating rin sa Madalag kahapon ang Makato PNP matapos mapag-alaman na may ID ng J&T Express ang suspek na si Delsol Zunio Jr. at driver ang nakalagay na posisyon nito.

Magasasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang Makato PNP kung konektado ang suspek sa nangyaring krimen nitong Abril 27, 2024.

Kung matatandaan, hinoldap at pinatay ang 23-anyos na empleyado ng J&T na si Jan Andrei Bolido nitong Sabado sa harap mismo ng delivery hub ng naturang courier company.

Magdedeposit sana ng pera ang biktima at pasakay na ng truck nang harangin at barilin ng holdaper na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.