Connect with us

National

“Old Malacañang building” nais i-develop para maging bagong “tourism assets” sa bansa – PBBM

Published

on

By

SCREENSHOT: BBM vlog via Facebook)

Sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga lumang gusali sa Malacañang upang gawin itong venue para sa mga conferences, para maging bagong tourism assets sa Pilipinas.

Sa kanyang pinakahuling vlog, sinabi ni Pangulong Marcos na isa sa mga programang ipinatutupad ng gobyerno ay ang pagbibigay ng mga accessible venue para sa mga conference ng mga foreign investors at bisita sa Pilipinas.

“Karamihan ay sa palasyo naman ang mga meeting at engagement, kaya nitong mga nakaraang buwan ay may idinagdag tayo sa latest addition sa ating Filipino hospitality asset,” pahayag ni President Marcos.

“Ito ang parang lodging o tuluyan ng ating mga bisita, guesthouse. Imbis na maghohotel pa sila sa malayo, matatraffic, at mahihirapan sa schedule ng mga meeting, dito na lang sila sa palasyo. Nagkataon na may mga napabayaang lumang bahay sa compound ng Malacañang at may nakita kaming isa na pwede pang i-renovate, ‘yun ang aming ginawa,” dagdag pa nito.

Sinabi ng Pangulo na ang proyekto ay naging posible sa pagtutulungan ng Office of the President, Social Secretary and the Office of First Lady, Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Kabilang sa mga establisyemento ay ang Goldenberg at Laperal Mansions.