Connect with us

Sports

Elreen Ando, nakamit ang bronze sa weightlifting

Published

on

By

Photo: POC- Philippine Olympic Committee - Olympic.PH/Facebook

Nasungkit ng pinay weightlifter na si Elreen Ando ang panibagong bronze medal para sa Pilipinas kahapon, October 2 sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Nagtala si Ando ng 96kg sa snatch at 126kg sa clean and jerk para sa total lift na 222kg sa wo­men’s 64 kilograms class.

Naungusan niya si Karina Goricheva ng Kazakhstan na nagtala ng 210kg, kabuuang score sa final at itinanghal bilang 4th placer.

Ngunit naunahan din si Ando nina Rim Unsim ng North Korea at Pei Xinyi ng China, na nanalo ng gold at silver.

Samantala, bukod sa ginto ni pole vaulter EJ Obiena at silver ni sanda fighter Arnel Mandal sa wushu, pang-walong tanso na ng Pilipinas sa Asiad ang medalyang nakamit ni Ando.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *