Connect with us

Iloilo News

P1.4M halaga ng high-breed fighting cocks sa Iloilo, ninakaw

Published

on

By

Ninakaw ang 12 mga pangsabong na manok na pagmamay-ari ni Congressman Chris Colada na nagkakahalaga ng 1.4 million pesos.

Ito ay nadiskubre matapos makita sa bakanteng lote sa likod ng kanyang farm sa bayan ng Guimbal ang pakalat-kalat na 5 manok noong Pebrero 7.

Makalipas ang apat na araw ay isinauli ng kapatid ng isa sa mga suspek sa kapulisan ng Tapaz ang 5 pang manok at isinuplong ang mga ito.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Ronald Bluma, JR Jimenez, Jun Jimenez at Ronilo Gumayao, pawang residente ng Tapaz, Capiz.

Ayon sa report ng Tapaz Municipal Police Office, kinumpirma ng manager ng pinasok na game farm ang kanilang pagmamay-ari sa ibinalik na fighting cocks.

Pinaniniwalaang dinadala sa Cebu, Negros at Boracay ang mga nakaw na fighting cocks.