Connect with us

Capiz News

Negosyante ng frozen products, hinoldap; P100k, natangay

Published

on

By

NATANGAY ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang nasa P100,000 na kita ng isang negosyante ng frozen products matapos itong maholdap sa barangay Dinginan, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si John Vergil Rasgo, 25-anyos ng Old Buswang Kalibo subalit pansamantalang naninirahan sa Sibaguan, Roxas City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Roxas City PNP, pauwi na ang biktima matapos maningil sa kanyang negosyo nang banggaan muna siya ng isa sa mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Huli na ng mapansin ni Rasgo na mayroon pang dalawang suspek na sakay din ng motor na nagdeklara ng hold-up.

Ayon sa salaysay ng biktima, tinutukan siya ng armas ng mga suspek kung kaya’t napilitan na lamang siyang ibigay ang dalang pera.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyaring insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *