Connect with us

Aklan News

Motorsiklo sumalpok sa nag u-turn na tricycle, rider wasak ang ulo

Published

on

By

Wasak ang ulo ng isang rider matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nag u-turn na tricycle sa Brgy. Estancia, Kalibo gabi nitong Martes.

Kinilala ang rider na si Joremer David, 34-anyos at residente ng Brgy. Calizo sa bayan ng Balete.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula sa direksyon ng Kalibo si David na papuntang Banga nang sumalpok ito sa nag u-turn na tricycle na mula umano sa terminal ng bus sa lugar.

Ayon sa isang nakakita sa nangyari, may kabilisan din umano ang pagmamaneho ni David kung kaya’t naging malakas din ang impak ng pagkasalpok.

Wasak ang ulo ng rider na si David at nagkalat pa ang mga parte nito at dugo sa kalsada.

Sinasabing, umikot pa umano ang nasabing tricycle habang tumalsik naman ang motor.

Napag-alaman na magkapamilya ang sakay ng naturang tricycle at napuruhan din ang isa sa mga sakay nito.

Samantala, naging emosyonal din ang pamilya ng rider nang makarating sila sa lugar at makita ang kaniyang naging sitwasyon.

Sa ngayon ay nasa morge na ang katawan ng namayapang si David at ikinustudiya naman ng nga kapulisan ang driver ng naturang tricycle habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa nangyari. | via Rhealyn Ortega