Connect with us

Aklan News

Halos P80K iniwang danyos sa naabong restobar sa Kalibo

Published

on

By

TINATAYANG nasa P78,750 ang halaga ng danyos matapos tupukin ng apoy ang Jack N Jill Resto Bar sa bahagi ng San Lorenzo Drive, Kalibo nitong Linggo.

Sa panayam ng Radyo Todo kay FO1 Eugene Bonite Jr., fire investigator ng BFP Kalibo, sinabi nito na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon sa bahagi ng kusina ng naturang resto bar nagsimula ang apoy.

Napag-alaman na mabilis na naabo ang masabing resto bar dahil gawa lang ito sa light materials.

Ayon naman sa may-ari nito na si Ryan Denosta, kakaalis lamang nila patungo sa bayan ng New Washington ng makatanggap sila ng tawag na nasusunog na ang kanilang establisyemento.

Kasama aniya sa tinupok ng apoy ang gamit nila para sa kanilang caretering services, billiard tables at iba pang kagamitan ng nasabing resto bar.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng BFP Kalibo upang matukoy ang totoong pinagmulan ng apoy.