Connect with us

Antique News

FULLY VACCINATED NA ANTIQUEÑOS, 16 PERCENT PA LAMANG AYON SA ANTIQUE PHO

Published

on

FULLY VACCINATED NA ANTIQUEÑOS 16 PERCENT PA LAMANG AYON SA ANTIQUE PHO

Nasa 16% pa lamang ang mga fully vaccinated na Antiqueños ayon sa Antique Provincial Health Office as of Sept. 12, 2021.

Sa 432,452 target population para sa COVID-19 vaccination, 70,592 pa lamang ang fully vaccinated.

Sa mga bayan sa probinsya, ang bayan ng Pandan ang may mataas na numero ng mga nakakumpleto na ng bakuna na umaabot sa 42% habang ang bayan ng Sibalom naman ang may pinakakaunting nabakunahan na umaabot lamang sa 8 porsyento.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang vaccination roll out sa probinsya kontra COVID-19 mula A1 hanggang A5.

Antique-COVID19-vaccination-updates