Connect with us

Regional News

HVI arestado sa drug buy bust ops sa Capiz

Published

on

By

ARESTADO ang isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang drug buy bust operation ng mga operatiba sa Brgy. Bago Chiquito, Panay, Capiz nitong Martes.

Kinilala ang inaresto na si Jeffrey Francisco alyas “Epeng”, sa legal na edad at nagbabantay ng mga panabong na manok sa Loctugan, Roxas, City.

Narekober sa posisyon ni Francisco ang 17 sachets ng susp3cted shabu, P100 na buy-bust money, P19,500 na boodle money, 2 dalawang tooter, isang coin purse, at isang unit ng motorsiklo.

Tinatayang may timbang na 85 gramo ang suspected shabu at may standard drug price na P578,600.

Napag-alaman na dating empleyado si Francisco ng Roxas Memorial Hospital noong 2018-2019 at isang drug surrenderee.

Nasa kustodiya na ngayon ng Panay PNP ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *