Connect with us

Aklan News

Rider na pulis sugatan matapos aksidenteng nabangga ng isa pang motor sa Capiz  

Published

on

By

Photo: Cy Simpas/Radyo Todo Capiz

SUGATAN ang isang police officer matapos aksidenteng mabangga ang minamaneho nitong motorsiklo ng isa pang motor sa Poblacion Sur, Sigma, Capiz.

Kinilala ang naturang pulis na si Patrolman John Wayne Talislis, 33, residente ng barangay Panayakan, Tangalan, Aklan at kasalukuyang naka-assign sa Engineering Office ng Camp Delgado, Iloilo City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Sigma PNP, mula sa Aklan at patungong Iloilo ang biktima nang pagdating sa naturang lugar ay bigla na lamang nag u-turn ang motorsiklo na minamaneho ni Kent TJ Ortez Penola, 22-anyos at residente ng barangay Dayhagon, Sigma.

Nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Penola dahilan upang mabanggaan nito ang nagmamanehong pulis.

Kaagad namang dinala sa ospital ang biktima para sa karampatang paggamot samantalang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyaring aksidente.