Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL DRAYBER, HINABOL NG PATALIM SA BAYAN NG NUMANCIA; SUSPEK ARESTADO

Published

on

By

Arestado ang isang senior citizen matapos nitong habulin ng patalim ang isang tricycle driver sa bayan ng Numancia.

Kinilala ang suspek na si Noriel Espanola, 62-anyos at residente ng barangay Badio sa nasabing bayan.

Batay sa ulat ng Numancia PNP, lumapit na lamang sa kanila ang traysikel drayber na si Helbert Bello, 41, at residente ng barangay Badio upang humingi ng tulong dahil hinahabol ito ng patalim ni Espanola.

Nakita mismo ni PSSgt. Refendor ng Numancia PNP ang nangyayaring komosyon gayundin ang hawak na patalim ng suspek.

Kaagad itong inaresto ng mga kapulisan at nakuha mula kay Espanola ang patalim na may habang walong pulgada.

Ikinustodiya naman ng Numancia PNP ang suspek dahil sa paglabag sa ipinapatupad na comelec gun ban.

Samantala, kaagad naman itong pinalaya matapos makapag-piyansa para sa kanyang kaso.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *