Connect with us

Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Published

on

By

File Photo/Radyo Todo Aklan

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal na droga sa Ati-Atihan Village, New Buswang, Kalibo hapon nitong Miyerkules.

Kinilala ang mga suspek na sina Rofel Gomez alyas “Burnok”, 44-anyos at anak nitong si Niño Blaise Lipaopao, alyas “Niknok”, 25-anyos at pawang residente ng New Buswang, Kalibo

Narekober sa mga suspek ang 2 sachet ng suspected shabu kapalit ng P10,000 na buy bust money.

Samantala sa isinagawang body search, narekober din ang pitaka ni Gomez na may lamang mga pera at dagdag pang 4 na sachet ng hinihinalang shabu.

Matatandaang noong 2016 ay inaresto din ang suspek na si alyas “Burnok” sa kaparehong kaso sa isla ng Boracay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kalibo PNP ang mag-ama at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.