Connect with us

Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

Published

on

By

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga.

Pasado alas-11:16 ng makatanggap ng tawag ang Bfp Banga na may grassfire sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Radyo Todo kay FO1. Ryan Abisan, imbestigador ng BFP Banga, posible umanong bunga ng mainit na panahon ang apoy.

Samantala, nasira ang firetruck sa gitna ng kanilang pagresponde kaya kinailangan nila ng tulong ng BFP Kalibo.

Tuluyang naapula ang apoy pasado alas-3:10 ng hapon.

Tinataya namang nasa 1.5 hektarya ng lupain ang naapektuhan ng grassfire.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP Banga sa kung ano ang posibleng pinagmulan ng apoy.