Connect with us

Capiz News

2 bangkay ng lalaki naaagnas na nang matagpuan sa Capiz

Published

on

By

Photo: Radyo Todo Capiz

NAAAGNAS na nang matagpuan ang bangkay ng dalawang lalaki sa Sitio. Cabanbanan, Brgy. Dolores Dumalag, Capiz.

Nakilala ang mga biktima na sina alyas, Romulo, 38-anyos at alyas Antonio, 50-anyos pawang residente ng Brgy. Poblacion Ilawod sa bayan ng Dumarao.

Batay sa ulat ng Dumalag Municipal Police Station, isang concerned citizen ang nagbigay-alam sa kanila hinggil sa natagpuang mga bangkay.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na tatlong araw ng missing ang mga ito.

Samantala batay sa resulta ng isinagawang postmortem at autopsy examination, may tama ng saksak at taga ang mga biktima.

Nakilala ang isa sa mga biktima sa pamamagitan ng nakitang ID sa kanyang bulsa habang positibo namang kinilala ni alyas Venus, anak ng isa pang biktima na tatay niya ang nakitang bangkay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Dumalag PNP sa kung sino at ano ang motibo ng krimen.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *