Connect with us

Regional News

Higit P1M halaga ng shabu nasabat sa Dumangas, Iloilo

Published

on

By

PHOTO: PCADG

Dalawang High Value Individual ang naaresto matapos makuhaan ng 280 gramo ng iligal na droga sa buy bust operation sa Brgy. Jardin, Dumangas, Iloilo, nitong Miyerkules, Nobyembre 1.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina alyas “Ton-Ton”, 39 anyos, walang trabaho; alyas “Tata”, 20 anyos, isang estudyante; kapwa residente ng nasabaing siyudad at isa pang nakatakas na suspek na si alyas “Errol”.

Ayon kay  Police Captain Glenn Soliman, hepe ng RPDEU 6 inaresto ang mga suspek matapos mabilhan ang mga ito ng P15,000 na halaga ng hinihinalang shabu.

Aniya pa, nakuha sa mga suspek ang 19 na pakete ng suspected shabu kabilang ang buy-bust item, may bigat na higit-kumulang 280 gramo at nagkakahalaga ng P1,904,000.

Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Actof 2002 ang isasampa sa mga naarestong suspek.