Connect with us

Regional News

SLI arestado sa buy bust ops sa Pontevedra Capiz

Published

on

By

Arestado ang isang Street Level Individual sa ikinasang drug buy bust operation ng mga kapulisan sa Barangay Tacas Pontevedra, Capiz.

Kinilala ang inaresto na si Roland Bermejo, 37 anyos, isang welder at residente ng Inzo Arnaldo, Roxas City.

Nakuha mula sa kanya ang 6 sachet ng pinaniniwalaang shabu, P6, 500 na buy bust money, 1 unit ng motorsiklo, 1 unit ng cellphone, at black belt bag.

Tinatayang may bigat itong 25 gramo at nagkakahalaga ng P170,000.

Naaresto si Bermejo sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Capiz- Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU), Pontevedra SDET, President Roxas MPS at Pilar MPS.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na siya ng Pontevedra Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.