Connect with us

Regional News

Magsasaka nahulihan ng baril, arestado

Published

on

By

Photo: Mambusao Capiz PNP

Nakuhaan ng kalibre 45 pistol na baril ang isang magsasaka kahapon, Setyembre 19 sa probinsya ng Capiz.

Kinilala ang  akusadong si Jereil Olog, 23 anyos na residente ng Baranggay Roxas, Tapaz, Capiz.

Napag-alamang dadalo sana ito sa isang hearing ng kaniyang pinsan sa Regional Trial Court, Branch 21 sa bayan ng Mambusao ngunit nang suriin ng security guard ang kaniyang bag, doon na nakita ang dala-dala nitong kalibre 45 pistol na may 12 na bala at dalawang magazine.

Mahaharap si Olog sa mga kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comelec Resolution No.10924.

Samantala, napag-alaman na ang nasabing magsasaka ay dati na ring nakulong hinggil sa mga kasong pagpatay at pagnanakaw taong 2022.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *