Connect with us

Regional News

Elf truck bumaliktad; 3 pahinante sugatan

Published

on

By

SUGATAN ang tatlong pahinante ng isang elf truck matapos itong bumaliktad sa Maayon, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Rommel Venosa 21-anyos ng Brgy. Jolongahog Pontevedra; Jason Denosta 29-anyos ng Sitio Manlupa Brgy. Quinat-oyan, Maayon at Joshua Anoche 24-anyos ng Brgy. Batabat, Maayon.

Samantala, kinilala naman ang dryaber ng naturang elf truck na si Jobert Villarena 50-anyos at residente ng Brgy. Ilaya, Maayon Capiz.

Ayon sa Maayon Municipal Police Station, habang tinatahak ng naturang truck na may kargang mais ang bahagi ng Barangay Batabat patunggong Barangay Ilaya ay nawalaan ito ng control dahilan ng aksidente.

Masuwerteng hindi nasugatan ang driver ng elf truck samantalang nagtamo naman ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang tatlong pahinante.

Kagaad namang nagresponde ang Maayon Emergency Response Team at isinugod sa Bailan District Hospital ang mga biktima para sa karampatang paggamot.