Connect with us

Capiz News

Dalawang estudyante binaril sa Capiz

Published

on

By

Regional News – Dalawang estudyante ang sugatan matapos barilin kagabi sa Pontevedra capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Romark Restores 22 anyos 4th year college student residente ng Brgy. Marita Presidednt Roxas Capiz at Reneboy Bacero 22 anyos3rd year college ng Barangay New Guia Maayon Capiz.

Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan nangyari ang insidente sa Barangay Rizal Pontevedra Capiz kung saan kumakain ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay ng may narinig silang putok ng baril at tumagos ang bala sa bintana ng kanilang bahay hanggang sa tinamaan ng bala si bacero sa kanyang paa habang tinamaan naman sa kanyang kamay si Restores.

Agad naming dinala sa hospital ang dalawa dahil sa kanilang tinamong sugat.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan  hinggil sa nasabing insidente.