Connect with us

Aklan News

SAP AT 4Ps BENEFICIARIES, NAGTONG-ITS

Published

on

Kalibo, Aklan – Kalaboso ang tatlo katao matapos mahuling nagsusugal bandang alas 3:50 kaninang hapon sa Ureta Road Extension, Andagao, Kalibo.

Sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng CIDG Aklan kasama ang Kalibo PNP, naaresto ang mga suspek na sina Delma Eulogio, 48 anyos na sinasabing 4P’s benificiary; Genalyn Andrade, 37 anyos na isa namang SAP benificiary; at Jay Cipriano 34 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Narekober din ng mga pulis ang isang set na barahang ginamit ng mga suspek sa paglalaro ng tong-its, at ang kabuuag P307.00 na perang na ipinampusta umano ng mga ito.

Kaagad silang dinala ng mga taga CIDG sa opisina para sa karampatang dokumentason at dinala kinalaunan sa Kalibo PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Laws na isasampa laban sa kanila.

Samantala, bagama’t tumanggi nang magbigay ng pahayag ang dalawang babaeng suspek, sinabi naman ni Jay na hindi naman umano araw-araw ang kanilang pagsusugal at katuwaan lamang nilang magkakamag-anak ang pagto-tong its kanina.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *