Connect with us

Aklan News

Dahil sa matagal nang pangmamaliit, kuya tinapyasan ang bibig ng kapatid

Published

on

By

Arestado sa isinagawang manhunt operation ang isang lalaki matapos nitong tapyasan ang bahagi ng bibig ng kaniyang nakababatang kapatid dakong alas-8:30 ng gabi nitong Linggo.

Kinilala ang kapatid na biktimang si Herminigildo Iray jr. 39-anyos habang ang kuyang suspek ay si Julius Iray, 40-anyos na kapwa residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nag-iinuman umano sa bahay ng kaniyang bayaw ang nasabing biktima kasama ang kaniyang bayaw nang bigla umanong dumating ang kaniyang kuya na nakainom na rin.

Inaya pa umano ni Herminigildo ang kaniyang kuya na makipag-inuman sa kanila ngunit bigla umano itong bumitaw ng mga salitang, “Anu ing nahinambae ay?Masyado kamong masangag ah”. At dali-daling hinataw ng tarik ang mukha ng biktima.

Sinasabing matagal ng may hinanakit ang suspek sa kaniyang kapatid dahil sa umano’y pang mamaliit nito sa kaniya.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima at nakalabas naman agad ng ospital.

Samantala, matapos ang insidente ay tumakbo at nagtago pa umano ang suspek na si Julius ngunit kalauna’y nahuli rin ng mga kapulisan.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ito ng Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.