Connect with us

Aklan News

LBC Roxas Ave Branch pinasok ng magnanakaw, magsasakang suspek naaresto sa isang hotel

Published

on

By

Tumambad sa mga empleyado ang basag-basag na glass door at sirang roll up door ng LBC Roxas Avenue Branch matapos itong pasukin ng isang kawatan kaninang madaling araw.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng Kalibo PNP na isang laptop at P2000 ang nakuha ng suspek na kinilalang si Ephraim Estiquita ng isang magsasaka na taga Man-up, Altavas.

Mabilis na natunton ang suspek sa tulong ng CCTV footages matapos makitang dumaan ang suspek sa Toting Reyes St at nag check in sa isang hotel.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang laptop, isang cellphone, bluetooth speaker, P2200, mga grocery na ninakaw nito at kanyang personal bag na naglalaman ng martilyo, pliers at mga damit.

Ayon kay Estiquita, may utang siyang P20,000 sa isang lending company kaya nagawa niyang magnakaw.

Sa ngayon ay inaalam pa ng kalibo pnp kung may record o kinasasangkutan pa si estiquita na ibang krimen.

Ayon naman sa head ng LBC Roxas Avenue Branch na si Rodelio Torres, hinihintay nalang nila ang kanilang Area Manager kung sasampahan ng kaso ang suspek na kasalukuyan nang nakakulong sa Kalibo PNP station.