Connect with us

Aklan News

Tindahan nasalisihan ng nagpanggap na customer, ni-loan na perang P80K natangay

Published

on

By

Magkahalong kaba at galit ang naramdaman ng isang tindera matapos madekwat ng 2 dalawang nagpanggap na kostumer ang kanyang bag na may lamang P80,000 sa Brgy. Estancia, Kalibo nitong gabi ng Huwebes.

Salaysay ng tindera, saglit nitong iniwan ang kanyang anak sa tindahan habang pasara na sila.

Doon dumating ang umano’y mag-asawang sakay ng motorsiklo at nagtanong kung mayroon silang malamig na tubig. Binuksan naman ng kanyang anak ang ref at pumasok ang dalawa pero hindi naman bumili at agad na umalis.

Pagbalik ng tindera ay nawawala na ang kanyang sling bag na naglalaman ng P80,000 na perang ni-loan nito sa isang lending company.

Agad itong kinutuban at tinanong ang anak kung sino ang huling naging customer at sinubukan pa nilang habulin ang mga ito pero hindi na nila naabutan.

Makikita sa CCTV ng tindahan ang motor na Rusi na sinakyan ng lalaking suspek nakasuot ng helmet at makulay na jacket habang ang babae naman ay nakasuot ng itim na jacket.

Tumakas ang mga ito patungo sa direksyon ng Banga ngunit pagdating sa Tigayon, Kalibo ay lumiko sa diversion road papuntang Lezo.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kapulisan para makilala at maaresto ang mga kawatan.