Connect with us

Aklan News

Bahay sa Brgy. Tinigaw, Kalibo nilooban P180,000 cash nalimas

Published

on

By

Nalimas ang perang aabot sa P180,000 matapos looban ng hindi pa nakikilalang kawatan ang isang bahay sa Purok 2 Brgy. Tinigaw, Kalibo.

Sinasabing mula sa isang thanks giving party ang may-ari ng bahay at umuwi lamang ito dakong alas-12:00 na ng hating-gabi.

Laking gulat nalang umano nito na bukas na ang kabinet sa kaniyang kwarto at sira na ang drawer nito.

Agad niyang tinignan ang laman at natuklasang wala na ang kaniyang pera na aabot sa P180,000.

Nakita rin na ang rehas sa kanilang parking area ay pinagpuputol na pinaniniwalaang doon dumaan ang nasabing kawatan.

Samantala, sa pag-imbestiga ng mga kapulisan ay may narekober din ang may-ari sa labas ng kaniyang bahay na P400 na pinaniniwalaang nahulog mula sa suspek.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan para matukoy ang salarin.