Connect with us

Aklan News

TOPDOWN NABANGGA NG MOTORSIKLO, 2 SUGATAN

Published

on

Confined sa ospital ang isang driver at kanyang helper matapos aksidenteng mabangga ng motorsiklo ang kanilang topdown alas 10:35 kaninang tanghali sa Mantiguib, Makato.

Nakilala ang driver na si Ramon Tabernilla, sa legal na edad ng Tugas, Makato, at ang kanyang helper na si Joebert Arguelles, 21 anyos ng Poblacion, Makato, habang nasa kustodiya ngayon ng Makato PNP ang driver ng nakabanggang motorsiklo na si Jimmy Prado Jr., 21 anyos ng Mantiguib, Makato.

Base sa imbestigasyon ng Makato PNP, galing sa Poblacion, Makato ang dalawa at paliko sana sa crossing ng Pawa, Makato nang aksidenteng mabangga ng nasabing motorsiklo.

Ayon sa pulis, posible umanong may kabilisan ang takbo ng motorsiklo na papunta naman noon sa Numancia, kung kaya’t hindi nito napansin ang palikong topdown kahit naka signal light naman umano ito.

Resulta, nasapol ng motorsiklo ang katawan ng dalawa kung saan nagtamo ng pinsala sa katawan ang mga biktima na kaagad namang dinala sa ospital.

Samantala, mapalad namang minor injury lamang ang tinamo ni Prado, subali’t minarapat itong ikustodiya ng Makato PNP matapos gamutin, para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *