Connect with us

Aklan News

Buntis nahulog sa sinasakyang habal-habal

Published

on

By

PHOTO: MDRRMO Makato

Isinugod sa ospital ang isang buntis matapos mahulog sa sinasakyang habal-habal sa bayan ng Makato.

Kinilala ang biktimang si Danilyn Torrenueva, 27 anyos ng Brgy. Agbalogo, Makato.

Batay sa ulat, naganap ang aksidente dakong alas-8:30 ng umaga nitong Martes nang sumakay ang biktima sa habal-habal papunta sa kanyang trabaho.

Pero pagdating sa may Makato Public Market ay nahilo ang biktima at nahulog sa motor.

Nagtamo ang biktima ng sugat at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyan na itong nagpapagaling sa Aklan Provincial Hospital.