Connect with us

Aklan News

Lalaking naglalakad, bigla umanong binaril ng kasalubong na retiradong pulis

Published

on

By

Ginagamot ngayon sa ospital ang isang lalaki matapos umanong barilin ng isang retiradong pulis kahapon sa Brgy. Cayangwan, Makato.

Kinilala ang biktimang si Rafael Tambong, 49 anyos at ang suspek na si retired PSSgt. Dennis Tordecillas, 59 anyos, kapwa mga residente ng Brgy. Cayangwan, Makato.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente dakong alas-5:00 kahapon nang magkasalubong ang dalawa sa daan.

Bigla lang umanong binaril ng suspek ang biktima sa tuhod ng walang dahilan.

Depensa naman ng suspek, naagaw niya lang ang baril sa biktima.

Ayon sa pulisya, walang nangyaring away pagitan ng dalawa pero nakainom ang suspek nang mangyari ang krimen.

Hindi rin narekober ng mga otoridad ang baril na ginamit ng suspek.

Agad namang naaresto ang retiradong pulis at kasalukuyang naka kustodiya na sa Makato PNP station.

Samantala, nasa pagamutan naman ang biktima at naghihintay na maoperahan.