Connect with us

Aklan News

Lalaki nadakip ng Nabas PNP sa buy bust ops

Published

on

By

Himas rehas ngayon ang isang lalaking nabilhan ng droga ng mga otoridad sa buy bust operation kahapon sa Brgy. Libertad, Nabas.

Kinilala ang suspek na si Vito Saron, 50 anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat, nakuhaan ang suspek ng tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P4500 na buy bust money.

Pero itinanggi ng suspek na may nangyaring buy bust operation at hindi sa kanya ang mga narekober na droga.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.