Connect with us

Aklan News

LASING NA MOTORISTA, NAAKSIDENTE

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos maaksidente pasado alas 11:00 kagabi sa Linabuan, Norte, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Leonard Villanueva, 23 anyos ng Ugsip, Libacao.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP traffic section, nagmomotorsiklo papuntang Banga direction ang biktima, subalit aksidenteng sumemplang dahil sa madulas na kalsada.

Kaagad siyang dinala ng mga rumespondeng MDRRMO sa ospital kung saan siya naka confine ngayon, habang iniwan muna sa barangay hall ng Linabuan Norte ang kanyang motorsiklo.