Connect with us

Aklan News

Kuya sinaksak ng kapatid ng pantahi ng sapatos

Published

on

By

Confined ngayon sa Aklan Provincial Hospital ang isang 54 anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang nakababatang kapatid ng pantahi sa sapatos sa Brgy. Cortes, Balete.

Naganap ang insidente kagabi nang pumunta ang biktimang si Dentor Billones sa kanyang kumpare para makipag-inuman.

Pagdating nito sa lugar ay naroon din ang kanyang nakababatang kapatid na lango na sa alak.

Nag-inuman pa ang mga ito pero kalaunan ay nagkainitan at nag-away matapos pauwiin ng biktima ang kanyang kapatid.

Dito na sinaksak ng suspek ang kanyang kuya na tumama sa dibdib at kaliwang kamay.

Ayon sa biktima, wala naman siyang balak na magsampa ng kaso laban sa kanyang kapatid.