Connect with us

Aklan News

Lasing na rider, sumalpok sa nakaparadang tricycle

Published

on

By

Sumalpok ang isang motorsiklo sa likod ng nakaparadang tricycle kaninang madaling araw sa may N Roldan St., Poblacion, Kalibo.

Ang driver ay kinilalang si Joan Sarandon, 30, residente ng Brgy. Pook, Kalibo.

Lumalabas sa imbestigasyon na lasing si Sarandon nang mangyari ang insidente.

Mula ito sa direksyon ng Toting Reyes St. papuntang Mabini St. nang bumangga sa nakaparadang tricycle na pagmamay-ari ni Leynell Bender, 50, residente ng N Roldan St., Poblacion, Kalibo.

Nagtamo ng mga sugat ang biktima pero tumanggi itong magpadala sa ospital.

Kapwa din nagkaroon ng pinsala ang motor at ang tricycle.

Nagkaroon naman ng settlement matapos magkarahap si Sarandon at ang may-ari ng traysikel.