Connect with us

Aklan News

Pampasaherong jeep at motor nagsalpukan, isa sugatan

Published

on

By

Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos nitong makabanggaan ang isang pampasaherong jeep kagabi sa Sitio Himbis, Brgy. Lalab, Batan.

Na-confine sa isang pribadong ospital ang 54 anyos na driver ng motorsiklo na residente ng Cabugao, Batan.

Habang ikinustodiya naman ng kapulisan ang 23 anyos, na driver ng jeep na residente ng Bay-ang, Batan.

Batay sa imbestigasyon, galing ang jeep sa direksyon ng Altavas papunta sa Balete.

Pagdating sa may gasoline station, lumiko ang motor para sana magpagasolina pero hindi nito nakita ang jeep dahil sa pakurbadang kalsada.

Dinala sa ospital ang driver ng motor habang ang driver ng jeep naman ay nasa kustudiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.