Connect with us

Aklan News

‘FARM TO MARKET ROAD’ PROJECT NG GOBYERNO, AYAW TANGGAPIN NG CALIMBAJAN MAKATO COUNCIL MULA SA CONTRACTOR?

Published

on

Ayaw tanggapin ng Brgy. Calimbajan Council sa bayan ng Makato ang proyektong ‘Farm to Market Road’ ng gobyerno mula sa contractor nito.

Sa panayam kay Hon. Joshua Tagua sa programang Todo Aksyon, sinabi nito na ayaw nilang tanggapin ang naturang proyekto dahil sa kulang-kulang, sub-standard at perwisyo sa buong Brgy. ng Calimbajan.

“…pagabatunon baea namon ro proyekto nga gin-budgetan it gobyerno nga kueang-kueang ag sub-standard nga gina-perwisyo bukon eamang kami kundi bilog nga Calimbajan ag indi mapuslan…” pahayag ni Tagua.

Dagdag pa nito, nasaksihan niya mismo mula sa umpisah hanggang sa natapos ang nasabing proyekto kung saan masasabi niyang mali ang proseso at hindi nagawa ng tama.

Aniya, natapos ang proyektong ito na wala siyang nakita kahit grader truck at kahit ang mga bakal na ginamit ay kulang-kulang.
“…matsa nag-ubra sanda it proyekto nga inamo baea or matsa owa sanda it tama nga proseso,” giit ng konsehal.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Tagua na ang nabanggit na proyekto ay wala umanong koordinasyon sa kanila at wala silang nahawakan na program of works hingil dito.

“…owa kami kasayod kun sin-o ro contractor kara ag kun sin-o ro matuod nga engineer kara”, saad nito.

Ang naturang isyu ay inimbestigahan ng Sangguniang Bayan ng Makato kung saan inimbitahan ang contractor at municipal engineer upang malaman ang dahilan kung bakit tumatanggi ang Calimbajan Brgy. Council na tanggapin ang naturang proyekto.

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P6.5 million pesos at pinondohan ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *