Connect with us

Sports

Germany nasungkit ang kauna-unahang kampeonato sa FIBA World Cup 2023

Published

on

By

NASUNGKIT ng Germany ang kanilang kauna-unahang kampeonato sa 2023 FIBA World Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena (MOA) nitong Linggo.

Nangibabaw ang Germany laban sa Serbia sa score 83-77.

Pumuntos ng 9-0 ang Germany sa ikatlong kwarter ng laro mula sa ginawang layup ni Mo Wagner dahilan upang itaas ang score 64- 53.

Hinabol naman ito ni Marco Guduric at Aleksa Avramovic ng Serbia sa score 77-79 para sa fourth quarter.

Samantala, hindi naman hinayaan ni Dennis Schroder na manguna ang Serbia kaya’t dumagdag siya ng apat na puntos at tatlong free throws dahilan ng pagkamit ng tagumpay ng kanilang team.

Dahil dito, itinanghal na kampeon ang Germany kontra Serbia kung saan si Dennis Schroder naman ang hinirang na MVP. via| Bernadeth Ompaling/ Trainee

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *