Connect with us

Sports

Calvin Abueva handa na sa kanyang pagbalik sa Gilas Pilipinas

Published

on

By

Image: PBA

Handang-handa na si Calvin Abueva sa kanyang pagbalik sa national team pagkatapos ng 5 years upang maglaro sa darating na Asian Games.

Matatandaang sinuspinde si Abueva kabilang ang 13 iba pang players dahil sa Philippines-Australia brawl noong 2019 sa FIBA World Cup qualifying at ito ang second chance niya para maglaro para sa koponan.

Samantala, ayon sa kanya hindi hadlang ang kanyang edad (35 years old) para mag bago ang kanyang performance sa court at ipinsiguro na ibibigay niya ang kanyang 110 percent na energy para sa  ikabubuti ng national team.

Makakasama ni Abueva sa koponan sina Terrence Romeo, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, RR Pogoy, Scottie Thompson, Justin Brwonlee, Ange Kouame, Chris Newsome at Calvin Oftana.

Ang Gilas Pilipinas ay kabilang sa Team C kasama ang bansang Jordan, Bahrain at Thailand.

Magaganap ang Asian games ngayong buwan sa Hangzhou Olympic Sports Centre Gymnasium at Zhejiang University Zijingang Gymnasium sa China.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *