Connect with us

Aklan News

Mga sports coaches sa bayan ng Kalibo, isasailalim sa pagsasanay

Published

on

Isasailalim ng lokal na pamahalaan ang mga sports coaches sa bayan ng Kalibo sa isang pagsasanay.

Ito ay dahil kinikilala ng LGU Kalibo ang galing at talento ng mga sports coaches na nagiging daan sa pamamayagpag ng mga atletang Kalibnonhon sa iba’t-ibang klase ng laro sa larangan ng palakasan.

Dahil dito, inirekomenda ng Sangguniang Bayan ng Kalibo na magsagawa ng isang pagsasanay para sa mga sport coaches.

Ayon kay SB Member Romylene Joy Flores, marami sa mga atleta ang magtatapos na sa kanilang pag-aaral kung kaya’t kinakailangan na naman ng kanilang mga coaches na maghanap at magsanay ng mga panibagong atleta.

Kaugnay nito, oras na rin aniya na bigyan din ng magandang training mga mga sports coaches sa Kalibo upang matulungan pa nila ang mga bagong atleta na mamayagpag sa larangan ng sports.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, isasagawa ang nasabing training ng mga coaches sa darating na buwan ng Hulyo at Agosto ng taong kasalukuyan sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Education (Deped).