Connect with us

Capiz News

6-anyos na bata na naunang naireport na nawawala, bangkay na nang matagpuan

Published

on

Bangkay na nang matagpuan ang isang 6-anyos na batang lalaki na una nang naireport na missing matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa dagat sakop ng Brgy. Manapao, Pontevedra.

Natagpuan ni Emily Balasa at ng mga kasama nito ang bangkay ng kaniyang pamangkin na si Macky na nasabit sa talabahan habang sila ay sakay sa bangka mula sa Sitio Palampong sa nasabi ring barangay.

Matatandaan na sakay ang bata sa bangka na pinaaandar ng kaniyang ama na si Jose Balasa kasama ang mga bisita ng pamangkin nito na nagdiwang ng birthday mula sa Brgy. Manapao at papunta sanang Brgy. Marita sa President Roxas nang mangyari ang insidente.

Bigla nalang nag-iba ang takbo ng panahon at hinampas ng malaking alon ang kanilang bangka dahilan para tumaob ang kanilang bangka.

Narescue ang limang pasahero ng nasabing bangka pero hindi na ang batang si Macky.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *