Connect with us

Capiz News

WOW, MALI | Maling bangkay, tatlong araw na nilamayan at iniyakan sa Pilar, Capiz

Published

on

Isang maling bangkay ang nilamayan at iniyakan ng tatlong araw ng isang pamilya sa Brgy. Casanayan, Pilar, Capiz matapos mapag-alaman na ang totoong kapamilya na namatay ay nasa punerarya pa.

Ayon kay Celia Banaco, kapatid ng namatay na si Ramon Tenorio Sr., maling bangkay ang dinala sa kanila ng Saint Peter Memorial Homes Balasan. Natawa nalang umano sila nang malaman na hindi nila kaano-ano ang kanilang iniiyakan at nilalamayan.

Batay sa kanilang pag-imbestiga, taga-Lemery, Iloilo pala ang bangkay na unang dinala sa kanila. Marami aniya ang nagtataka na iba ang itsura ng bangkay pero sinagot lamang umano sila ng mga taga-punerarya na dahil lamang ito sa epekto ng gamot.

Hindi naman nagduda ang pamilya dahil suot ng bangkay ang Amerikana na kanilang binili.

Sa halip na maiyak pa ay natawa nalang umano ang pamilya nang dalhin na ng taga-punerarya ang totoong bangkay ng namatay na kapamilya matapos ang tatlong araw nilang pagluluksa, padasal at pagpapatugtog ng musika sa maling bangkay.

Hinubad naman ng taga-punerarya sa unang bangkay ang Amerikana at ipanasuot sa tunay na namatay na kapamilya.

Dapat sana ay noon pang Sabado nailibing ang bangkay pero naantala ito at nito lang Setyembre 23 nailibing ang kanilang namatay na miyembro ng pamilya matapos maling bangkay ang kanilang naiburol.

Plano ng pamilya na kasuhan ang punerarya dahil sa insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *