Connect with us

Capiz News

Misis patay matapos bumangga ang sinasasakyang motorsiklo sa steel barrier sa Pilar, Capiz

Published

on

Patay ang isang 59-anyos na misis matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang steel barrier sa national highway sa Brgy. San Esteban, Pilar, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Nelda Dacles, residente ng Brgy. Bailan, Pontevedra, Capiz.

Sugatan naman naman ang mister nito na driver ng nasabing motorsiklo na kinilalang si Avelino Dacles, 62-anyos. Sugatan rin ang limang taon na apo nila.

Ayon sa imbestigasyon ng Pilar PNP, mula sa Brgy. Sta. Fe, Pilar ang pamilya sakay ng motorsiklo pero pagdating sa lugar kung saan nangyari ang aksidente, nawalan umano ng kontrol ang driver matapos nakaidlip ito.

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang misis. Dinala pa ito sa Bailan District Hospital pero dineklara itong dead on arrival ng doktor.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *