Connect with us

Capiz News

51-anyos na lalake patay matapos saksakin ng apo sa Sapian, Capiz

Published

on

Patay ang isang 51-anyos na lalake matapos saksakin ng sariling apo sa Brgy. Bilao, Sapian, Capiz gabi ng Huwebes.

Kinilala sa report ng kapulisan ang biktima na si Mario Delgado, 51-anyos, habang ang suspek ay si Sammy Delgado, 19, mga residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Sapian PNP, nakainom umano ang biktima at nanugod pa sa bahay ng isa niyang kapatid na may bitbit na itak.

Inawat naman siya ng kaniyang mga kamag-anak at pinauwi sa kanilang bahay.

Ilang sandali pa ay nasaksak di umano ng suspek ang lolo nito habang sila ay nasa loob ng bahay dahil sa kasasalita umano ng biktima kahit natutulog.

Nagtamo ng malubhang sugat sa tiyan ang biktima. Isinugod pa ito ng kaniyang mga kamag-anak sa Mambusao District Hospital pero dineklara ring dead on arrival ng doktor.

Nakatakas naman ang suspek at pinaghahanap pa ngayon ng kapulisan.

Nabatid na ang suspek at ang biktima ay magkasamang naninirahan sa iisang bahay.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *