Connect with us

Aklan News

Tattoo artist na tulak ng droga, timbog sa buy bust sa Purok 2, C Laserna, Kalibo

Published

on

By

Bumagsak sa kulungan ang isang tattoo artist matapos malambat sa buy bust operation kaninang madaling araw sa Purok 2 C-Laserna St., Brgy. Poblacion, Kalibo.

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PDEU Aklan at Kalibo PNP ang suspek na si Aljon Jhon Bacole, alyas JE, 24 anyos na residente ng nabanggit na lugar.

Nakumpiska mula kay Bacole ang dalawang sachet ng shabu at ang ginamit na P3000 na buy bust money.

Bukod sa nabanggit, dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu pa ang nakuha sa body search.

Sa panayam ng Radyo Todo, inamin ng suspek na gumagamit din siya ng droga.

Mahaharap si Bacole sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. via MAS

with reports from Reynald Bandiola