Connect with us

Aklan News

Kotse wasak matapos banggain ng motorsiklo

Published

on

By

WASAK ang harapan ng isang kotse matapos na masalpok ng isang motorsiklo kagabi sa Brgy. Estancia, Kalibo.

Batay sa ulat, papauntang Banga ang driver ng motor na si John Vincent Dela Cruz, 24 anyos, na residente ng Brgy. Tinigaw, Kalibo.

Sinubukan nitong mag-overtake sa kasunod na motorsiklo pero aksidente itong bumangga sa Mitsubishi Mirage Hatchback na minamaneho ni FO1 Larry Jose Sim, 28 anyos, residente ng Badio, Numancia.

Matinding pinsala ang tinamo ng harapang bahagi ng sasakyan.

Samantala, sugatan naman ang driver ng motorsiklo na mabilis na isinugod sa ospital.