Connect with us

Aklan News

NAGPAKILALANG TAGA NBI NA NAHULIHAN NG BARIL, TIKLO

Published

on

Numancia – Arestado ang isang lalaki na nagpakilalang taga NBI o National Bureau of Investigation matapos umanong mahulihan ng baril pasado alas 9:00 kagabi sa Tabangka, Numancia.

Nakilala ang suspek na si Rogelio Duroy, 50 anyos ng Zone 1, Yapak, Boracay.

Ayon sa Numancia PNP, humingi ng police assistance ang isang may-ari ng bodega doon dahil sa ginagawang paghuhukay sa harap ng kanyang property, kung saan may isang lalaking nagpakilalang taga NBI.

Kaagad rumesponde ang mga taga Numancia PNP, kung saan nagpakilala ang suspek at kusang ipinakita ang kanyang ID.

Kusa din umano nitong binuksan ang kanyang sling bag at doon nakita ang isang Tanfoglio 9mm pistol, 1 magazine at 15 bala.

Subalit wala naman umano itong ipinakitang anumang dokumento sa kanyang baril, rason ng kanyang pagkakaaresto.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Numancia PNP station habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Guns and Ammunitions laban sa kanya.

Samantala, binibiripika pa ng Numancia PNP ang ipinakitang NBI ID ng suspek.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *