Connect with us

Aklan News

Itinuturong gunman na bumaril sa banker na si Jonalyn Maribojo, nadakip na ng pulisya

Published

on

By

Matapos ang halos dalawang taon, napasakamay na ng mga otoridad ang itinuturong gunman na pumatay sa banker na si Jonalyn Maribojo sa bayan ng Numancia.

Kinilala ang suspek na si Bernie Tipay, 42 anyos, residente ng Brgy. Navitas, Numancia na naaresto ng mga kapulisan sa pamamagitan ng warrant of arrest sa kasong murder na may criminal case number 16281 na inisyu ni Hon. Joebil Barrera Delmoro, Presiding Judge, RTC6, Branch 2.

Si Tipay ang itinuturing na top 1 most wanted person sa Numancia.

Bukod dito, napag-alaman na nagkaroon na rin ito dati kasong paglabag sa RA 9262 at Alarm and Scandal.

Matatandaaang binaril ng malapitan ang biktimang si Jonalyn Maribojo noong Oktubre 2021 habang nakasakay sa traysikel.

Nagtamo ito ng multiple gunshot wounds na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.