Connect with us

Aklan News

KALANSAY NA NATAGPUAN SA TANGALAN, NAKILALA NA

Published

on

Nakilala na kanya mismong pamilya ang kalansay na natagpuan kahapon ng umaga sa Sitio Ilaya, Napatag, Tangalan.

Ayon sa Tangalan PNP, dumating kaninang tanghali sa kanilang presento ang pamilya kasama si Monlaque, Ibajay Barangay Chairman Junrey Italia, at kinumpirma na ang nawawalang babae ang may-ari ng natagpuang kalansay, base narin umano sa mga damit nito.

Base pa sa salaysay ng pamilya, may problema ito sa isip at madalas umano nila itong sinusundan o hinahanap tuwing umaalis, kung saan niting nakaraang buwan pa ng Disyembre nang huli nila itong nakasama, at inireport na nawawala nito lamang January 3, 2022.

Samantala, kumbinsido din umano ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay nito bago natagpuan kahapon.